Mensaheng pambati, ipinadala ni Li Zhanshu kay Saysomphone Phomvihane kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos

2021-04-26 15:57:06  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Linggo, Abril 25, 2021 ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) kay Saysomphone Phomvihane, Pangulo ng Kongresong Lao bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sa mensahe, sinabi ni Li na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, tumitibay at lumalakas ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan.

 

Kasama ni Saysomphone Phomvihane, nakahanda si Li para palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kanilang mga organong lehislatibo at pasulungin pa ang usaping pangkaibigan ng dalawang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method