Amerika, dapat makipagtulungan sa WHO kaugnay ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus - Tsina

2021-04-29 16:46:17  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na planong iharap ng Amerika ang bagong mungkahi sa World Health Organization (WHO) hinggil sa gawain ng WHO sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa ikalawang yugto.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 28, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang isasagawa ng Amerika ang kooperatibong pakikitungo, huwag gawing pulitikal ang pananaliksik na pansiyesiya, at hindi sirain ang magkakasamang paglaban sa COVID-19 ng komunidad ng daigdig dahil sa kapakanan lang ng Amerika.

Amerika, dapat makipagtulungan sa WHO kaugnay ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus - Tsina_fororder_赵立坚

Inulit ni Zhao na ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus ay isyung pansiyensiya, at dapat magkooperasyon ang mga siyentista ng buong daigdig para rito. Kung magiging pulitikal ang isyung ito, masisira ang pagsisikap ng paglaban sa COVID-19 ng buong daigdig at idudulot ang mas malaking kapinsalaan ng buhay sa buong mundo.

 

Salin:Sarah

Please select the login method