Sa kabila ng pagsuspendi o paglilimita ng ilang bansang gaya ng Austria, Denmark, Italy, Romania, Thailand, at iba pa, sa paggamit ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng AstraZeneca at University of Oxford, dahil nagkaroon ng blood clot ang ilang tao pagkaraang bakunahan, sinabi kahapon, Biyernes, ika-12 ng Marso 2021, ng World Health Organization (WHO), na walang dahilan upang ihinto ang paggamit ng bakunang ito.
Binigyang-diin ng WHO na walang naitatag na causal link sa pagitan ng paggamit ng bakunang ito at blood clotting.
Sa preskon sa Geneva, sinabi ni tagapagsalita Margaret Harris ng WHO na sinuri ng mga eksperto ang mga data ng ilang kaso ng namatay, at hindi pa natuklasan ang ebidensiyang ang mga ito ay sanhi ng pagbabakuna.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos