Tsina sa Amerika at Hapon, agad itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina

2021-04-18 14:16:15  CMG
Share with:

Makaraang mag-usap nitong Biyernes, Abril 16 (local time), 2021 ang mga lider ng Amerika at Hapon, ipinalabas ng kapuwa panig ang magkasanib na pahayag na nagpapahayag ng  pagkabahala sa mga isyung gaya ng Taiwan, Diaoyu Island, Hong Kong, Xinjiang, at South China Sea.

 

Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Taiwan at Diaoyu Island ay teritoryo ng Tsina, at ang mga suliranin ng Hong Kong at Xinjiang  ay ganap na suliraning panloob ng Tsina.

 

Aniya, may di-napapabulaanang soberanya ang Tsina sa mga isla sa South China Sea at mga nakapaligid na karagatan.

 

Sinabi niya na ang magkasanib na pahayag ng Amerika at Hapon ay walang galang na nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, at grabe itong lumalabag sa pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.

 

Iniharap na aniya ng panig Tsino ang solemnang posisyon nito sa Amerika at Hapon sa diplomatikong tsanel.

 

Hinihiling aniya ng panig Tsino sa Amerika at Hapon na solemnang pakitunguhan ang nukleong interes ng bansa, igalang ang  prinsipyong “Isang Tsina,” agarang itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, at agarang itigil ang pagpinsala sa kapakanang Tsino.

 

Isasagawa ng panig Tsino ang lahat ng kinakailangang hakbangin upang maipagtanggol ang soberanya, at kapakanang panseguridad at pangkaunlaran ng bansa, dagdag pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method