Ika-6 na pagsasanggunian ng pamahalaang Tsino at Aleman, idinaos

2021-04-29 11:05:49  CMG
Share with:

Ika-6 na pagsasanggunian ng pamahalaang Tsino at Aleman, idinaos_fororder_20210429Alemanya550

Sa pamamagitan ng video link, magkasamang nangulo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa ika-6 na pagsasanggunian ng pamahalaang Sino-Aleman.

 

Tinukoy ni Premyer Li na kasalukuyang nagaganap ang masalimuot at malalim na pagbabago sa situwasyong pandaigdig, hindi pa tapos ang pandemiya ng COVID-19, at umiiral pa ang proteksyonismo.

 

Aniya, bilang pangunahing ekonomiya at bansang may malaking impluwensiya sa daigdig, kapwang sinusuportahan ng Tsina at Alemanya ang multilateralismo at malayang kalakalan. Dapat manguna ang dalawang bansa sa aspekto ng pagbubukas, pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan, at win-win cooperation, diin pa niya.

 

Ipinahayag naman ni Merkel na sa magkakasamang pakikibaka ng komunidad ng daigdig laban sa pandemiya, ginagampanan ng Alemanya at Tsina ang mahalagang papel.

 

Umaasa aniya ang panig Aleman na mapapanatili ang diyalogo at pakikipagpalitan sa panig Tsino para ibayo pang mapalalim ang kanilang paguunawaan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method