Nagdaos ng video summit nitong Abril 16, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama nina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Tinukoy ni Xi, na sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng peak carbon emissions sa taong 2030 at carbon neutrality sa taong 2060, magkakaroon ang Tsina ng pinakamalaking pagbaba ng emisyon ng carbon dioxide at pinakamaikling panahon mula peak carbon emissions hanggang carbon neutrality sa daigdig.
Inulit niya ang determinasyon ng Tsina sa pagsasakatuparan ng naturang dalawang target. Palalakasin din aniya ng bansa ang pagkontrol sa pagbuga ng ibang mga greenhouse gas.
Dagdag ni Xi, patuloy na makikipagkooperasyon ang Tsina sa Pransya at Alemanya sa pagharap sa pagbabago ng klima, at hinimok ng Tsina ang mga maunlad na bansa na gawin ang mabuting halimbawa sa pagbabawas ng emisyon at tupdin ang pangako sa pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa.
Sinabi ni Xi, na nakahanda ang Tsina, kasama ng panig Europeo, na pasulungin ang pamumuhunan at negosyo sa isa't isa.
Ipinahayag din niya ang pagtutol sa nasyonalismo sa aspekto ng bakuna kontra Coronavuris Disease 2019 (COVID-19).
Kapwa pinahahalagahan naman nina Macron at Merkel ang mga positibong hakbangin ng Tsina sa pagbabawas ng emisyon at kooperasyon ng tatlong bansa sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Sinang-ayunan nilang pasulungin ang kooperasyong Sino-Europeo sa iba't ibang aspekto.
Binigyang-diin din nila ang magkakasamang pagsisikap para sa pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19.
Editor: Liu Kai