Tsina, nakahandang patibayin ang relasyon sa Alemanya at EU – Xi Jinping

2021-04-08 11:21:24  CMG
Share with:

Sa pag-uusap nitong Miyerkules, Abril 7, 2021 sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, sinabi ni Xi, maraming beses niyang naka-usap si Merkel noong isang taon, bagay na nagpatingkad ng mahalagang papel na tagapagpatnubay para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman at Sino-Europeo.
 

Umaasa aniya siyang gagawa ng positibong pagsisikap ang panig Aleman at Europeo, kasama ng panig Tsino, upang mapangalagaan at mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng kooperasyong Sino-Aleman at Sino-Europeo.
 

Inihayag din ni Xi ang pag-asang batay sa diwa ng paggagalangan, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, koordinadong pasusulungin ng panig Tsino’t Aleman ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
 

Ani Xi, at ito ay makakatulong sa kooperasyong Sino-Europeo at magpapasigla sa kabuhayang pandaigdig.
 

Nakahanda ang Tsina na ibahagi sa mga kompanya ng iba’t ibang bansang kinabibilangan ng Alemanya ang pagkakataong dulot ng bagong round ng pagbubukas ng bansa, dagdag ng pangulong Tsino.
 

Sinabi pa ni Xi, na umaasa siyang pananatilihin ng panig Aleman ang pagbubukas, at lilikhain ang mas maraming ginwaha para sa mga kompanya ng dalawang bansa tungo sa pagpapalawak ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
 

Saad niya, tinututulan ng Tsina ang pagsasapulitika ng isyu ng bakuna at “vaccine nationalism,” at nakahanda ang bansa na pasulungin, kasama ng komunidad ng daigdig, ang patas at makatwirang distribusyon ng bakuna.
 

Kaugnay ng mga problema at hamong pandaigdig, inihayag naman ni Merkel na kailangang-kailangan ang kooperasyong Aleman-Sino at Europeo-Sino upang harapin ang mga ito.
 

Aniya, ang pagpapalakas ng diyalogo at kooperasyon ng Unyong Europeo (EU) at Tsina ay hindi lamang umaangkop sa komong kapakanan ng kapuwa panig, kundi makakabuti rin sa buong daigdig.
 

Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magpatingkad ng  positibong papel para rito.
 

Nais aniya ng panig Aleman na pabutihin ang preparasyon para sa bagong round ng negosasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa; palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng paglaban sa pandemiya, pagbabago ng klima, biodibersidad at iba pa; at panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina hinggil sa patas na distribusyon ng bakuna.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method