Sa iba’t ibang okasyon, maraming beses na binanggit ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang ambisyon, kakayahan at responsibilidad ng mga kabataan, ay maaaring magdulot ng magandang pag-asa at mainam na prospek para sa nasyon.
Sa puso ni Xi, lubos na pinahahalagahan ang mga kabataan.
Sapul nang idinaos ang Ika-18 Pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng CPC, madalas na hinihimok ni Xi ang mga kabataan, na dapat i-ugnay ang indibiduwal na ambisyon at usapin ng bansa, at ipapakita ang kahanga-hangang kulay ng kabataan sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap.
Salin:Sarah
Pulido:Mac