Dadalo at bibigkas ng keynote speech bukas, Abril 20, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Sa regular na preskon ngayong araw, inihayag ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na batay sa kasalukuyang kalagayang panrehiyon at pandaigdig, at mga panganib at hamong kinakaharap ng buong mundo, sistematikong ilalahad ni Pangulong Xi ang ideya at plano ng Tsina hinggil sa pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng Asya at daigdig.
Ani Wang, lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pag-unlad ng BFA, at ito ang ika-5 beses niyang pagdalo rito.
Bilang bansang tagapagtangkilik, umaasa ang panig Tsino na mabuting maipaplano, kasama ng iba’t ibang kalahok na panig, ang kooperasyong may win-win na resulta, at gagawin ang positibong ambag para sa paglikha ng magandang kinabukasan ng Asya at mundo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio