Ayon sa pagtaya ng 2021 Outlook on Asia’s Development na inilabas Abril 28, 2021, lalaki ng 8.1% ang GDP ng Tsina sa taong ito.
Samantala, ayon sa ulat na inilabas kahapon ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), umabot sa 14.7% ang proporsyon ng halaga ng pagluluwas ng Tsina sa kabuuang halaga ng pagluluwas ng buong mundo, na naging unang puwesto sa buong daigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 29, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakita nito na, positibo ang pagkilala ng komunidad ng daigdig sa Tsina sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at matatag ang kompinyansa ng daigdig sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Aniya, malugod na tinatanggap ng Tsina ang pagpasok ng iba’t ibang panig sa pamilihan nito para makuha ang pagkakataon.
Binigyan-diin din ni Wang na ang pagpapanatili ng tunguhin ng paglaki ng kabuhayang Tsino ay malakas na magpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Mac