Inilabas Biyernes, Abril 16, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang mga datos hinggil sa takbo ng pambansang kabuhayan noong unang kuwarter ng taong ito.
Ayon sa datos, sa harap ng pagsubok ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at mga di-matatag na elemento sa kapaligirang panlabas, nanatiling matatag at tumibay ang takbo ng kabuhayang Tsino, at lumago ng 18.3% ang gross domestic production (GDP) kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Sa larangan ng konsumo, lumaki ng 33.9% ang kabuuang halaga ng tingian ng consumer products na panlipunan. Kabilang dito, mainam ang tunguhin ng paglago ng online sales.
Salin: Vera
Pulido: Mac