Xi Jinping, ipinahayag ang pakikiramay kaugnay ng stampede sa Israel

2021-05-02 15:35:35  CMG
Share with:

Xi Jinping, ipinahayag ang pakikiramay kaugnay ng stampede sa Israel_fororder_036786c794d24b6b90bf002c27c1a994-750

 

Ipinadala kahapon, Sabado, Mayo 1, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Reuven Rivlin ng Israel, kaugnay ng stampede na nagdulot ng malaking kasuwalti sa bansang ito.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nasawi, at pakikiramay sa kani-kanilang mga kamag-anakan at mga nasugatan.

 

Ang naturang sakuna ay naganap nitong Huwebes ng gabi, sa selebrasyon sa bisperas ng Lag BaOmer, kapistahang Jewish. Ikinamatay ito ng 45 katao, at ikinasugat ng di-kukulangin sa 150 iba pa.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method