Xi Jinping, nakikiramay sa paglala ng pandemiya ng COVID-19 sa Indya

2021-05-01 10:12:46  CMG
Share with:

Xi Jinping, nakikiramay sa paglala ng pandemiya ng COVID-19 sa Indya_fororder_xjpindya

 

Kaugnay ng paglala ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Indya, ipinadala kahapon, Biyernes, ika-30 ng Abril 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Punong Ministro Narendra Modi ng Indya.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, pati rin kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayan ng Indya.

 

Ani Xi, batay sa ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, matatalo lamang ang pandemiya sa pamamagitan ng kooperasyong pandaigdig.

 

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Indya sa paglaban sa COVID-19, at ipagkaloob sa Indya ang kakailanganing suporta at tulong.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method