Mensahe ng pakikiramay, ipinadala ng pangulong Tsino sa pangulong Iraqi

2021-04-28 10:28:52  CMG
Share with:

Kaugnay ng sunog na naganap sa isang ospital ng Iraq na nauwi sa maraming buhay na nasawi, ipinadala nitong Martes, Abril 27, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa kanyang Iraqi counterpart na si Barham Salih.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni pangulong Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga nasawi sa naturang aksidente at ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at mga sugatan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method