CMG Komentaryo: di nauunawaan ng Amerika ang sariling kamalian sa isyu ng interventionism

2021-05-05 16:33:38  CMG
Share with:

Nitong Lunes, Mayo 3, 2021, sumipot sa London si Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika para dumalo sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Group of 7 (G7).

 

Tulad ng pagtaya, kitang-kita sa nasabing biyahe ni Blinken ang tangka ng Amerika na pagsama-samahin ang mga kaalyado at pigilan ang Tsina at Rusya.

 

Bunga  nito, sa okasyon ng 100 araw sapul nang umakyat sa poder si Pangulong Joe Biden ng Amerika, nagiging mas malinaw ang direksyon ng diplomatikong estratehiya ng Amerika.

 

Sa isang dako, madalas na inilalabas ng Amerika ang mabuting signal sa mga tradisyonal na kaalyadong Europeo para mapatingkad ang mahalagang papel sa panghihimasok at pagpigil sa pag-unlad ng Tsina; sa kabilang dako, pinabibilis ng Amerika ang sariling pagsasaayos sa estratehikong yaman nito sa buong daigdig.

 

Nilinaw kamakailan ni Blinken ang hakbang ng Amerika sa pag-atras mula sa Afghanistan para puspusang labanan ang Tsina.

 

Bukod sa grabeng pagpinsala sa Afghanistan bunsod ng digmaan sa loob ng 20 taon, pininsala rin ng Amerika ang sarili dahil sa panghihimasok nito sa ibang lugar sa mahabang panahon.

 

Ngayong umani ng maraming puna at pagdududa ang American-style democracy, para sa mga dayuhang bansang tulad ng Afghanistan at Iraq, ang “democracy model” ay naging malaking pagkabigo. Sa loob ng Amerika, inilarawan ng ilang politikong Amerikano ang kaguluhan bilang “pinakamagandang tanawin” na lumitaw sa Capitol Hill noong nagdaang Enero at dahil dito, nagmistulang biro ang “American-style democracy” sa buong mundo.

 

Sa kabila nito, nagtungo ang Amerika sa Pasipiko at nakikipagsabwatan ngayon sa mga kaalyado para pasimulan ang mga bagong kilos-panghihimasok.

 

Tulad ng dati, itinataas nila ang mga watwat ng umano’y “karapatang pantao,” “demokrasya,” at “kalayaan,” at magkakasunod nilang ginamit ang mga paglinlang na tulad ng isyu ng Hong Kong, Xinjiang, at Taiwan para mabigyang-presyur kasama ng mga kaalyado nito ang Tsina.

 

Maging salamin sana ang kasaysayan. Matapos ang ilampung taong pananatili sa rehiyong Gitnang Silangan, kung nais ng Amerika na labanan ang Tsina, kailangan muna nitong pag-isipan kung kaya nitong  tanggapin ang masamang resultang dulot ng bagong round ng interventionism.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method