Tsina, ipapataw ang sangsyon sa mga kaukulang organo at tauhan ng EU

2021-03-23 10:55:25  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong inilabas nitong Lunes, Marso 22, 2021 sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina, ipinasiya ng panig Tsino na patawan ng sangsyon ang 10 tauhan at 4 na entidad ng panig Europeo na malubhang nakapinsala sa soberanya at kapakanan ng panig Tsino, at tikis na nagpalaganap ng kasinungalingan at pekeng balita. Bawal nang pumasok ang mga nasabing personalidad at kani-kanilang mga kapamilya sa Chinese mainland at mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao, at hindi na rin pwede ang pakikipag-ugnayan nila at kanilang mga kinabibilangang kompanya at organo, sa Tsina.
 

Batay sa mga kasinungalingan at pekeng impormasyon, ipinataw nitong Lunes ng Unyong Europeo (EU) ang unilateral na sangsyon sa kaukulang indibiduwal at entidad ng Tsina, sa katwiran ng isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang.
 

Kaugnay nito, inihayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang aksyong ito ng panig Europeo ay nagbulag-bulagan sa katotohanan, bumaligtad sa tama at mali, at walang pasubaling nakialam sa mga suliranin ng Tsina, sa kabila ng pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig. Malubha itong nakakapinsala sa relasyong Sino-Europeo.
 

Ipinahayag din ng tagapagsalitang Tsino ang buong tatag na pagtutol at mariing kondemnasyon dito.
 

Hinimok ng panig Tsino ang panig Europeo na iwasto ang sariling kamalian, huwag isagawa ang kunwaring double standard, at huwag makialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
 

Ang listahan ng papatawan ng sangsyon ng panig Tsino ay kinabibilangan nina Reinhard Butikofer ng European Parliament, Aleman iskolar Adrian Zenz, Swedish iskolar Björn Jerdén, Political and Security Committee of the Council, Subcommittee on Human Rights ng European Parliament, Mercator Institute for China Studies ng Alemanya, Alliance of Democracies Foundation ng Denmark at iba pa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method