Inilabas Miyerkules ng gabi, Mayo 5, 2021 ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina ang datos ng pamilihan ng turismo ng bansa sa panahon ng bakasyon ng Labor Day.
Ayon dito, mula Mayo 1 hanggang Mayo 5, umabot sa 230 milyong person-time ang kabuuang bilang ng pagbibiyahe sa loob ng bansa, at ito ay lumaki ng 119.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, naisakatuparan ang 113.23 bilyong domestic tourism revenue, na lumaki ng 138.1%. Ito ay katumbas ng 77% sa gayun ding panahon bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon pa sa nasabing ministri, sa panahon ng bakasyong ito, naging mas kaakit-akit para sa mga turista ang paglalakbay na panlibangan.
Sa okasyon ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), naging popular din ang paglalakbay sa mga tourism attraction na may kinalaman sa kasaysayan at rebolusyon ng bansa at CPC.
Salin: Vera
Pulido: Rhio