Tsina, tutol sa pahayag ng G7 at EU ukol sa Hong Kong

2021-03-16 12:31:43  CMG
Share with:

Tsina, tutol sa pahayag ng G7 at EU ukol sa Hong Kong_fororder_20210316G7

Inilabas nitong Biyernes, Marso 12, 2021 ng mga ministrong panlabas ng G7 at High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo (EU) ang magkakasanib na pahayag, kaugnay ng pagpasa ng kataas-taasang lehislatura ng Tsina ng Desisyon ukol sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
 

Tungkol dito, inihayag nitong Lunes, Marso 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa ganitong aksyon ng tikis na pagdungis sa nasabing desisyon at walang pakundangang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
 

Saad ni Zhao, bilang isang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, ang sistemang elektoral ng Hong Kong ay lokal na sistemang elektoral ng Tsina. Ang isyung kung paanong idedesinyo, pauunlarin at kukumpletuhin ito ay purong suliraning panloob ng Tsina.
 

Hinimok aniya ng panig Tsino ang mga kaukulang panig na tumpak na pakitunguhan ang katotohanang bumalik na sa inang bayan ang Hong Kong nang 24 na taon, sundin ang pandaigdigang batas at pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig, at agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina.
 

Buong tatag ang determinasyon at kompiyansa ng Tsina sa pagtanggol sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at pangangalaga sa pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method