Tsina at Cuba: magkasamang magbibigay ng bagong ambag para sa usaping sosyalismo

2021-05-07 15:45:31  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap nitong Mayo 6, 2021, kay Miguel Diaz-Canel, Pangulo ng Cuba at Pangkalahatang Kalihim ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Cuba, sinabi ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na sa harap ng bagong kalagayan, nakahanda ang Tsina na patibayin at paunlarin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa, upang magbigay, kasama ng Cuba, ng bagong ambag para sa usaping sosyalismo.

 

Mataas na pinahahalagahan ni Miguel Diaz-Canel ang bungang pangkasaysayan na natamo ng mga mamamayang Tsino sa pamumuno ng CPC nitong nakaraang 100 taon. Pinasalamatan din niya ang matatag na suporta ng Tsina sa Cuba. Aniya, buong tatag na nananangan ang Cuba sa patakaran ng Isang Tsina, at tinututulan ang anumang porma ng pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Tsina at Cuba: magkasamang magbibigay ng bagong ambag para sa usaping sosyalismo_fororder_pangulongxi01

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method