Suporta sa Nepal sa paglaban sa COVID-19, ipagkakaloob hangga’t maaari ng Tsina

2021-05-08 13:45:41  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagiging malubha ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Nepal, ipinahayag Mayo 7,2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipagkakaloob hangga’t maaari ng Tsina ang tulong sa Nepal.

 

Aniya, sa virtual meeting ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afghanistan, Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh sa paglaban sa COVID-19 na idinaos kamakailan, ipinatalastas ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ibibigay ng Tsina ang bagong round na tulong ng materyal sa paglaban sa COVID-19 para sa Nepal.

Suporta sa Nepal sa paglaban sa COVID-19, ipagkakaloob hangga’t maaari ng Tsina_fororder_wangwenbin

Nakahanda na ang naturang mga materyal, at ihahatid ang mga ito sa Nepal sa lalong madaling panahon, saad ni Wang Wenbin.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method