Sa background ng paglakas ng unilateralismo at proteksyonismo, ang pagdaraos ng unang China International Consumer Products Expo (Hainan Expo) ayon sa itinakdang panahon ay lubos na nagpakita ng matatag na kapasiyahan ng Tsina sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas at pagdudulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ito Mayo 7, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Mayo 6, 2021, sa lalawigang Hainan ng Tsina, binuksan ang kauna-unahang Hainan Expo, na umakit ng mahigit 1,300 na tatak galing sa 69 bansa at daigdig ng buong daigdig.
Lumahok sa ekspo ang mahigit 30 libong mga mamimili, at ayon sa pagtaya, lalampas ng 200 libo ang mga bumista.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos