Ipininid ngayong araw, sa Hainan, ang unang China International Consumption Products Expo (Hainan Expo).
Ipinahayag ng mga kalahok mula sa loob at labas ng Tsina na, mabunga ang paglalakbay nila sa Hainan Expo, at inaasahan nilang ipagpapatuloy ito sa Hainan sa susunod na taon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao Ping, Pangalawang Puno ng Akdemiya ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) na, ang pagdaraos ng Hainan Expo ay hindi lamang lumikha ng pagkakataon ng negosyo para sa pamilihang pandaigdig, kundi pinalawak din nito ang impluwensya ng Hainan Free Trade Port sa buong mundo.
Opisyal na sinimulan Mayo 10, 2021, ang prosidyur ng pag-aaplay sa ikalawang Hainan Expo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio