Lalabas sa huling dako ng Hunyo 2021, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na magkasanib ginawa ng Ehipto at Sinovac ng Tsina.
Ito ang ipinahayag sa preskon Mayo 9, 2021, ni Hala Zayed, Ministro sa Kalusugan at Populasyon ng Ehipto.
Aniya, pagkatapos maigarantiya ang domestikong kahilingan ng Ehipto, iluluwas sa mga bansa ng Aprika ang nasabing bakuna.
Bilang bansa na mayroong matatag na industrial chain, maaaring maging sentro ng pagsuplay ng bakuna ng Aprika ang Ehipto, diin ng naturang opisyal.
Samantala, pinasalamatan ni Hala Zayed ang Tsina sa suporta nito upang gawing unang bansa sa Aprika ang Ehipto na mayroong kakayahang magprodyus ng bakuna kontra COVID-19.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio