Ikalawang pangkat na bakunang donasyon ng Tsina, tinanggap ng Ehipto

2021-03-24 10:36:51  CMG
Share with:

Dumating ng Cairo, kabisera ng Ehipto kamakailan ang ikalawang pangkat ng bakuna kontra  Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na donasyon ng Tsina.

 

Magkasamang lumagda sa sertipiko ng paglilipat ng mga bakuna sina Liao Liqiang, Embahador ng Tsina sa Ehipto, at Wael El Saaey, Pangalawang Ministro ng Kalusugan at Populasyon ng Ehipto.

 

Samantala, sa seremonya ng paglilipat ng mga bakuna, ipinahayag ni Hala Zayed, Ministro ng Kalusugan at Populasyon ng Ehipto, ang lubos na paghanga sa ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa masusing panahon ng pakikibaka ng kanyang bansa laban sa pandemiya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method