Kaugnay ng pulong sa United Nations na inorganisa ng Amerika at ilang bansang kanluranin hinggil sa isyu ng Xinjiang, ipinahayag Mayo 10, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na layon ng di-umano’y “isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang” na pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Tinukoy ni Hua na para sa kanilang sariling kapakanang pulitikal, ginagamit ng Amerika at ilang bansang kanluranin ang UN upang siraan ang Tsina.
Ito ay kapalastangan sa UN, saad ni Hua.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio