Kooperasyon ng Tsina at Uzbekistan, ibayo pang isusulong

2021-05-12 10:37:03  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap nitong Martes, Mayo 11, 2021 kay Ministrong Panlabas Abdulaziz Kamilov ng Uzbekistan, na kalahok sa pagtatagpo ng mga minstrong panlabas ng Tsina at limang bansang Gitnang Asyano sa Xi’an, probinsyang Shaanxi ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kahandaan ng panig Tsino na ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa Uzbekistan, at palawakin ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan para salubungin ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni Wang na hinihikayat ng panig Tsino ang mga bahay-kalakal ng dalawang bansa na magsagawa ng kooperasyon sa bakuna, at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang medikal para mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Uzbekistan.

Ipinahayag naman ni Abdulaziz Kamilov na nakaranas ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Uzbekistan at Tsina sa pagsubok ng pandemiya.

Sinabi niya na buong tatag na iginigiit ng Uzbekistan ang prinsipyong “Isang Tsina,” buong tatag na tinututulan ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, at puspusang kinakatigan ang Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method