Muling hinimok Mayo 12, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Amerika, na komprehensibong ipaliwanag ang mga bio-military activities nito sa loob at labas ng bansa, at isagawa ang aktuwal na aksyon para igarantiya ang legalidad, transparency, at kaligtasan ng mga bio-labs nito at mga kinalamang aktibidad.
Aniya, sa umano’y taunang ulat ng Pag-ayon at Pagsunod sa Pagkontrol sa mga Armas na inilabas kamakailan, sinabi ng Amerika na ang lahat ng aktibidad nito ay sumusunod sa regulasyon ng Biological Weapons Convention.
Ang Fort Detrick, na ikinababalisa ng komunidad ng daigdig, ay hindi nabanggit sa ulat. Kaugnay ng maraming bio-labs sa labas ng bansa, kaunti ang pagpapaliwanag dito ng Amerika.
Tinukoy ni Hua na ang pagtatatag ng sistema ng pagbabawal sa bio-weapons ay komong palagay ng buong daigdig, ito rin ang pinakamabisang paraan ng pagtatatag ng pagtitiwalaan sa isa’t isa ng mga bansa. Muling hinimok ng Tsina ang Amerika na huwag humadlang ng proseso ng muling pagsisimula ng kinauukulang talastasan sa isyung ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos