Bilang tugon sa panawagan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na imbitahan ang Taiwan upang lumahok sa World Health Assembly (WHA) bilang tagamasid, tinukoy nitong Lunes, Mayo 10, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pahayag ay grabeng lumalabag sa prinsipyong “Isang Tsina” at tatlong magkakasanib na komunike ng Tsina at Amerika.
Sinabi ni Hua na ang nasabing kilos ng panig Amerikano ay grabeng nanghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina.
Buong tindi aniyang kinokondena at tinututulan ng panig Tsino ang tungkol dito.
Diin pa ni Hua, ang paglahok ng rehiyong Taiwan sa mga aktibidad ng organisasyong pandaigdig na gaya ng WHO, ay dapat hawakan sa ilalim ng prinsipyong Isang Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Rhio