Xi’an, Lalawigang Shaanxi ng Tsina—Nangulo nitong Miyerkules, Mayo 12, 2021 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa ika-2 pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina at limang bansa ng Gitnang Asya na kinabibilangan ng Republika ng Kazakhstan, Republika ng Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.
Diin ni Wang, sa bagong simulang historikal, dapat buong tatag na hanapin ang bagong landas ng kooperasyong panrehiyon na angkop sa agos ng panahon at may sariling katangian, batay sa pangmalayuang pananaw, magkasamang itatag ang cooperative development belt na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, at buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Gitnang Asya.
Para rito, iniharap niya ang limang mungkahi: una, igiit ang magkakasamang paglaban sa pandemiya, at buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan; ika-2, igiit ang inobasyon, at magkakasamang itatag ang pilot zone ng Silk Road Economic Belt; ika-3, igiit ang pagbubukas at pagtutulungan, at magkakasamang likhain ang malaking tsanel ng konektibidad ng kontinenteng Asyano-Europeo; ika-4, igiit ang pagtutulungan, para patibayin ang kalagayang panrehiyon; at ika-5, igiit ang pagpapalitan, at magkakasamang planuhin ang bagong blueprint ng de-kalidad na pag-unlad.
Inilabas sa nasabing pagtatagpo ang mga magkakasanib na pahayag hinggil sa magkakasamang pagharap sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapalalim ng kooperasyong lokal, at isyu ng Afghanistan.
Pinagtibay rin ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa pagtatatag ng mekanismo ng pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Gitnang Asya.
Salin: Vera
Pulido: Mac