Proposal ng WTO sa intellectual property protection waiver ng bakuna kontra COVID-19, sinimulan ang konsultasyon; Tsina suportado ito

2021-05-14 16:49:01  CMG
Share with:

Ipinahayag Mayo 13, 2021, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang suporta sa proposal ng World Trade Organization (WTO) kaugnay ng intellectual property protection waiver ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay sumasailalim na sa konsultasyon.

 

Aniya, ipinalalagay ng Tsina na patitingkarin ng WTO ang positibong papel sa larangang ito.

 

Sa susunod na hakbang, aktibong sasali ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, sa pagsasanggunian, para marating ang mabisang kalutasan na makakatulong sa iba’t ibang bansa sa paglaban sa COVID-19, saad ni Gao.

Proposal ng WTO sa intellectual property protection waiver ng bakuna kontra COVID-19, sinimulan ang konsultasyon; Tsina suportado ito_fororder_wto

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method