Idinaos kamakailan ng World Trade Organization (WTO) ang virtual dialogue sa mataas na antas bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyong ito. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, pamahalaan at bahay-kalakal.
Ipinagdiinan nila na hanggang sa ngayon, mayroon pa ring realistikong katuturan ang pandaigdigang sistemang pangkalakalan na ang regulasyon ay pundasyon. Ngunit inamin din nila na dapat balangkasin ng WTO ang mga bagong regulasyon para maging angkop sa pagbabago ng kapaligirang pangkalakalan.
Naitatag ang WTO noong taong 1995 na may 164 na miyembro. Sa kasalukuyan, saklaw ito ng 98% bolyum ng kalakalan sa buong mundo.
Salin: Lito
Pulido: Mac