Tsina, tumututol sa pagsira sa katatagan at pagpigil sa kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng umano’y isyu ng Xinjiang

2021-05-14 11:23:34  CMG
Share with:

Bilang tugon sa walang tigil na panunulsol ng ilang bansang Kanluranin at di-pampamahalaang organisasyon sa isyu ng Xinjiang, ipinahayag nitong Huwebes, Mayo 13, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakikipagsabwatan ang nasabing bansang Kanluranin sa ilang organisasyon at tauhang kontra-Tsina para walang tigil na lutuin at isulong ang pulitikal na palilinlang sa umano’y isyu ng Xinjiang.

Sinabi ni Hua na umaasa at nananalig ang panig Tsino na unti-unting malalaman ng komunidad ng daigdig ang tunay na kulay nila para mahinto ang kanilang pagbabalatkayo.

Diin niya, winiwelkam ng panig Tsino ang pagbisita sa Xinjiang ng lahat ng dayuhang personaheng walang-kinikilingan.

Ngunit, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagsira sa katatagan at pagpigil sa kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng umano’y isyu ng Xinjiang, dagdag pa ni Hua.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method