Nitong Miyerkules, Mayo 12, 2021 (local time), inabuso ng Amerika, Britanya, Alemanya, at ilang bansa at organisasyong pandaigdig, ang resources o yaman at plataporma ng United Nations (UN) para maidaos ang umano’y “pulong ng kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang ng Tsina.”
Ito ay lantarang paglapastangan sa “UN Charter” na umani ng buong tatag na pagtutol ng maraming mga kasaping bansa ng UN.
Ang esensya ng isyu ng Xinjiang ay isyu ng paglaban sa terorismo at de-radikalisasyon sa halip ng isyu ng karapatang pantao na sinusulsol ng iilang bansang Kanluranin.
Di puwedeng kumatawan ang iilang bansang Kanluranin sa UN, at sa komunidad ng daigdig.
Sa Ika-46 na Pulong ng UN Human Rights Council (UNHRC) sa kasalukuyang taon, sa iba’t-ibang porma, inihayag ng mahigit 80 bansang kinabibilangan ng mga bansang Islamiko, ang kanilang suporta sa posisyon ng panig Tsino sa isyu ng Xinjiang.
Sa panahon ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at 5 bansang Gitnang Asyano na idinaos kamakailan, ipinaabot ng mga bansang Gitnang Asyano ang kanilang buong tatag na suporta sa Tsina sa pangangalaga sa sariling nukleong kapakanan at ang pagtutol sa panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Bukod dito, inilathala kamakailan ng maraming media ng Australia, Brazil, Singapore, Sweden, at iba pang bansa, ang artikulo kung saan natiyak ang natamong bunga ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo at naibunyag ang masamang tangka ng geopolitics ng Amerika at bansang Kanluranin na pigilan ang pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng umano’y isyu ng Xinjiang.
Magkasunod ding lumabas ang artikulo at ulat ng Sweden-based Transnational Foundation for Peace and Future Research (TFF), at Counterpunch, isang Amerikanong indipendiyenteng website, kung saan malinaw nilang tinukoy na walang anumang ebidensya ang pananalitang umano’y “sapilitang pagtrabaho” at “genocide” sa Xinjiang.
Kahit anong pamamaraan ay ginagawa ng Amerika at iilang bansang Kanluranin para pagbaliktarin ang puti’t itim, nabigo na sa UN ang nasabing pulitikal na paglinlang na nakabase sa kasinungalingan.
Salin: Lito
Pulido: Mac