Puhunang dayuhan sa Tsina, lumaki

2021-05-14 16:50:12  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas Mayo 13, 2021, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 4 na buwan ng 2021, 14,533 ang bilang ng mga bagong itinatag na kompanya na may puhunang dayuhan, na lumaki ng 50.2% year-on-year, at lumaki ng 11.5% kumpara sa gayon din panahon ng taong 2019.

 

Samantala, tinukoy ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lumaki ng 62.8%, 65.2% at 9.2% year-on-year ang aktuwal na pamumuhunan galing sa mga bansa ng Belt and Road Initiative (BRI), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Unyong Europeo (EU) ayon sa pagkakasunod-sunod.

Puhunang dayuhan sa Tsina, lumaki_fororder_puhunangdayuhan

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method