Tsina, naging pinakamalaking bansang pinupuntahan ng puhunang dayuhan sa daigdig—OECD

2021-05-07 16:06:37  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), dahil sa epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), umabot sa 846 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng direktang pamumuhunang dayuhan ng buong mundo noong isang taon, at ito ay bumaba ng 38% kumpara noong 2019.
 

Pinakamababa ang datos na ito sapul noong 2005.
 

Kabilang dito, 212 bilyong dolyares ang direktang pamumuhunang dayuhan sa Tsina, at ito ay lumaki ng 14%. 177 bilyong dolyares naman ang direktang pamumuhunang dayuhan sa Amerika, na bumaba ng 37%.
 

Ayon kay Margit Molnar, opisyal ng OECD, bunga ng mabisang pagkontrol sa pandemiya at mabilis na pagbubukas ng maraming industriya, naungusan na ng Tsina ang Estados Unidos para maging pinakamalaking bansang pinupuntahan ng puhunang dayuhan sa daigdig.
 

Aniya, ang mainam na prospek ng paglago ng kabuhayang Tsino at mga hakbangin sa ibayo pang pagbubukas ay makakatulong sa tuluy-tuloy na pag-akit ng bansa ng puhunang dayuhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method