Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Biyernes, ika-12 ng Marso 2021, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong Enero at Pebrero ng taong ito, umabot sa halos 177 bilyong yuan RMB ang aktuwal na nagamit na puhunang dayuhan sa Tsina, at ang halagang ito ay mas malaki ng 31.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Jianping, dalubhasa ng nasabing ministri, na ang maagang pagbangon ng kabuhayang Tsino mula sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapatupad ng bagong round ng mga hakbangin ng pagbubukas sa labas, at katangiang pang-enganyo ng napakalaking pamilihang Tsino ay nagresulta sa mabilis na paglaki ng puhunang dayuhan sa Tsina.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos