Magkasanib na pahayag kaugnay ng kalagayan ng Palestina at Israel, ipinalabas ng Tsina, Norway at Tunisia

2021-05-17 17:03:12  CMG
Share with:

Pagkatapos ng pangkagipitang pulong na idinaos Mayo 16, 2021, ng United Nations Security Council (UNSC), ipinalabas ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, at mga Pirmihang Kinatawan ng Norway at Tunisia sa UN, ang magkasanib na pahayag kaugnay ng kasalukuyang kalagayan ng Palestina at Israel.

Magkasanib na pahayag kaugnay ng kalagayan ng Palestina at Israel, ipinalabas ng Tsina, Norway at Tunisia_fororder_bayi

Ipinahayag ng 3 bansa ang grabeng pagkabahala sa patuloy na pagtaas ng kasuwalti sa mga mamamayan. Nanawagan sila sa agarang pagtitigil ng karahasan, pagsunod sa pandaigdigang batas, at pangangalaga sa mga mamamayan.

 

Inulit ng mga kinatawan ang pagkatig sa kinauukulang resolusyon ng UN at pandaigdigang batas, at binigyang-diin ang pagsusulong ng “Two States Solution” sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method