Pransya at Ehipto: nanawagan ng tigil-putukan sa Palestina at Israel

2021-05-18 16:16:38  CMG
Share with:

Sa pag-uusap na idinaos Mayo 17, 2021, sa Paris, nina Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya, at Abdel Fattah al Sisi, dumadalaw na Pangulo ng Ehipto, nanawagan silang agad na ipatupad ang tigil-putukan sa Palestina at Israel.

 

Ipinahayag nang araw ring iyon ng Palasyong Pampanguluhan ng Pransya na ikinababahala ng naturang dalawang lider ang paglala ng sagupaan ng Palestina at Israel. Ipinahayag din nila ang pakikiramay sa mga nasawi dahil sa sagupaan.

 

Pransya at Ehipto: nanawagan ng tigil-putukan sa Palestina at Israel_fororder_巴以冲突

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method