Patuloy pa ring inuuna ng pamahalaan ni Pangulong Joe Biden ang kapakanan ng Amerika, kahit ito ay nangangahulugang pagsira sa kapakanan ng ibang bansa.
Kaugnay nito, ang pamahalaang Amerikano ang siyang nasa likod ng nasyonalismo ng bakuna.
Ayon sa estadistika ng ilang media, binili ng Amerika ang mga 2.6 bilyong dosis na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ay mga 1/4 ng kabuuang bolyum ng bakuna ng buong daigdig, at lampas sa pangangailangan ng sariling bansa.
Sa kabilang dako, nakikita ng komunidad ng daigdig ang mga aktuwal na aksyon ng Tsina sa pagkakaloob ng mga bakuna sa ibang bansa.
Ito ay kabaligtaran ng “aksyon ng Amerika” sa larangang ito.
Bukod dito, inililipat ngayong ng Amerika ang presyur ng implasyon o inflation sa ibang bansa.
Ang ekonomikong patakaran ng pamahalaan ng Biden ay nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing paninda sa buong mundo, na kinabibilangan ng mga pagkain.
Hindi mahirap na makita ng mga tao na tumatahak pa rin ngayon ang Amerika sa landas ng “Pagpapa-una sa Amerika,” at ito ay nagdudulot ng mas matinding kahirapan, gutom at sakit para sa buong daigdig.
Dapat isagawa ng Amerika ang totoong multilateralismo sa aktuwal na aksyon, kung talagang nais nitong muling mabilang sa komunidad ng daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio