CMG Komentaryo: Paglapag ng spacecraft ng Tsina sa Mars, ambag sa buong sangkatauhan

2021-05-17 17:50:12  CMG
Share with:

Matagumpay na lumapag sa Mars nitong Mayo 15, 2021, ang lander at rover ng Tianwen-1 probe ng Tsina.

 

Dahil dito, ang Tsina ang naging ikalawang bansa sa daigdig na nakapagpadala ng rover sa naturang pulang planeta.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika, Russian Federal Space Agency, European Space Agency, at iba pang may kinalamang ahensiya ang pagbati sa Tsina.

 

Dagdag pa riyan, isinahimpapawid din ng mga media na gaya ng CNN, BBC, at iba pa, ang maraming ulat na nagbibigay ng positibong pagtasa rito.

 

Ayon sa artikulo sa website ng "Scientific American," magasin ng Amerika sa mga karaniwang agham, na ito ay pinakahuling napakalaking tagumpay na natamo ng Tsina sa mga programang pangkalawakan nito.

 

Makatwiran ang positibong pakikitungo ng komunidad ng daigdig sa malaking pangyayaring ito.

 

Tulad ng sinabi ng lider na Tsino, ang paglapag ng spacecraft ng Tsina sa Mars ay hindi lamang malaking pag-unlad ng usaping pangkalawakan ng bansa, kundi ambag din sa pananaliksik ng sangkatauhan sa mga misteryo ng kalawakan.

 

Sa mula't mula pa'y, bukas ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyon sa larangan ng siyensiya at teknolohiya, na kinabibilangan ng mga programang pangkalawakan.

 

Sa kasalukuyang misyon ng Tianwen-1, maraming kooperasyon sa iba’t ibang aspekto ang isinagawa ng China National Space Administration, kasama ang European Space Agency at mga ahensiyang pangkalawakan ng Argentina, Pransya, Austria, at iba pa.

 

Sa kasaysayan, ang apat na malaking imbento ng sinaunang Tsina na kinabibilangan ng kompas, teknolohiya ng paggawa ng papel, teknolohiya ng paglilimbag, at pulbura, ay gumanap ng positibong papel para sa pag-unlad ng sangkatauhan.

 

Sa kasalukuyan, ang mga natamo at matatamong bunga ng Tsina sa usaping pangkalawakan ay magbibigay rin ng mga bagong ambag para sa pagpapasulong ng siyensiya, teknolohiya, at pamumuhay ng mga mamamayan sa buong daigdig.

 

Higit sa lahat, sa pamamagitan ng mga aktuwal nitong aksyon, pinatutunayan ng Tsina, na ang kooperasyon sa kalawakan, sa halip na paligsahan sa kalawakan, ay angkop sa komong kapakanan ng sangkatauhan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method