CMG Komentaryo: Bakit espesyal na binanggit ang Amerika sa pulong ng UNSC hinggil sa sagupaan ng Palestina at Israel?

2021-05-18 16:17:48  CMG
Share with:

Bilang tagapangulong bansa ng United Nations Security Council (UNSC) sa buwan ng Mayo, nangulo nitong Linggo, Mayo 16, 2021 ang panig Tsino sa pangkagipitang pulong hinggil sa sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel.
 

Nanawagan ang nasabing pulong sa panig Palestino at Israeli na agarang itigil ang putukan at karahasan, at ipinagdiinang dapat agarang umaksyon ang komunidad ng daigdig, lalong lalo na, dapat isabalikat ng Amerika ang sariling responsibilidad, isagawa ang makatarungang paninindigan, at katigan ang pagpapatingkad ng UNSC ng kinakailangang papel para sa pagpapahupa ng kalagayan, muling pagkakaroon ng tiwala, at solusyong pulitikal.
 

Bakit espesyal na binanggit ang Amerika sa nasabing pulong? Dahil ang kasalukuyang pinakagrabeng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel sapul nang sumiklab ang digmaan ng Gaza noong 2014 ay masamang bunga ng maling patakaran ng Amerika sa Gitnang Silangan.
 

Ang malinaw na pagpanig ng dating pamahalaang Amerika sa isyu ng Palestina at Israel ay nagsilbing ugat ng muling pagsasagupaan sa isyung ito.

CMG Komentaryo: Bakit espesyal na binanggit ang Amerika sa pulong ng UNSC hinggil sa sagupaan ng Palestina at Israel?_fororder_20210518PalestinaIsrael

Pagkaraang sumiklab ang kasalukuyang round ng sagupaan, sa halip ng kusang-loob na paghimok sa tigil-putukan, isinasagawa ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano ang unilateral na pakikipagsabwatan sa panig Israeli. Ang sabwatan sa armadong aksyon ng Israel ay nakatawag din ng malaking kawalang kasiyahan ng panig Palestino, at nagpapasidhi ng paglala ng kalagayang panseguridad sa Gitnang Silangan.
 

Ang mas masama pa’y sa harap ng malaking human casualty na dulot ng bagong round ng sagupaan, patuloy na iginigiit ng Amerika ang double standard sa karapatang pantao, at maraming beses nitong hinadlangan ang panawagan ng UNSC.
 

Ang kasalukuyang round ng madugong sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel ay may di-maihihiwalay na ugnayan sa Amerika. Dapat kusang-loob ng pahupain ng Amerika ang kalagayan, makatarungang pasulungin ang proseso ng talastasang pangkapayapaan ng kapuwa panig, at katigan ang pagpapatingkad ng UNSC ng sariling papel.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method