Paligsahan sa paggawa ng maikling video ng Tsina at ASEAN, sinimulan

2021-05-20 15:24:02  CMG
Share with:

Idinaos Mayo 19, 2021, ang online na seremonya ng pagbubukas ng Ikalawang Paligsahan ng Paggawa ng Maikling Video ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Deng Xijun, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na bilang isa sa serye ng mga aktibidad ng pagdiriwang sa Ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, ang paligsahan ay may natatanging katuturan.

Paligsahan sa paggawa ng maikling video ng Tsina at ASEAN, sinimulan_fororder_等细菌

si Deng Xijun, Embahador ng Tsina sa ASEAN

 

Lahat ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN ay maaaring sumali.

 

Ang mga obra ay kailangang nakapokus sa temang “Pagkakaibigan at Pagtutulungan” ng Tsina at ASEAN sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), aktuwal na kooperasyon at pagpapalitang kultural ng dalawang panig, at iba pa.

 

Pipiliin ang mga mananalo sa gitnang dako ng Oktubre, at idaraos naman ang seremonya ng gantimpala sa katapusan ng taong ito.

 

An naturang paligsahan ay magkasanib na itinataguyod ng Misyon ng Tsina sa ASEAN, Pirmihang Misyon ng Pilipinas sa ASEAN, Sekretaryat ng ASEAN, Pambansang Administrasyon ng Tsina sa Radyo at Telebisyon, China Foreign Languages Publishing Administration, China Public Diplomacy Association at Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Wuxi ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method