Ipinalabas kamakailan sa espesyal na pulong ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Indonesia ang chairman’s statement kung saan nagkaroon ng ilang komong palagay tungkol sa situwasyon ng Myanmar.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Abril 26, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na winiwelkam ng panig Tsino ang nasabing pulong.
Umaasa at nananalig aniya ang panig Tsino na patuloy na mapapatingkad ng ASEAN ang konstruktibong papel para aktibong tulungan ang ASEAN sa pagpapasulong ng rekonsilyasyong pulitikal ng Myanmar at totohanang mapangalagaan ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ASEAN at kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Konstruktibong diyalogo ng iba’t ibang panig ng Myanmar, ipinanawagan ng mga lider ng ASEAN
Espesyal na Pulong ng mga lider ng ASEAN, inaasahang pabubutihin ang kalagayan sa Myanmar - Tsina
Bilateral na kooperasyon at kalagayan ng Myanmar, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Indonesya
Tsina, suportado ang Espesyal na Pulong ng ASEAN para mamagitan sa situwasyon ng Myanmar