Habang nagsasalita hinggil sa karapatang pantao ng ibang bansa, bulag ang Amerika sa karapatang pantao ng mga mamamayang Palestino na naiipit at nangamamatay sa labanan.
Basag na basag ang karapatang pantao na may estilong Amerikano, dahil sa mga double standard na gawain ng ilang politiko ng nasabing bansa.
Ayon sa ulat ng Sputnik News Agency ng Rusya nitong Miyerkules, Mayo 19, 2021, dahil sa kasalukuyang round ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, nasawi ang 217 mamamayang Palestino, at kabilang dito, 63 ang mga bata.
Bukod pa riyan, isang sentro ng pagsusuri sa coronavirus sa Gaza ang nasira sa air raid ng Israel, at ito’y nangangahulugang daranasin ng mga mamamayang Palestino ang dobleng pag-abuso sanhi ng pandemiya at digmaan.
Palestinians from the same family evacuate children, women and the elderly alive and dead from under the rubbles of their destroyed home and search for others after an intense Israeli air raid on Gaza City, May 16, 2021. /Getty
Sa harap ng matinding humanitarian disaster, pumanig ang pamahalaang Amerikano sa umano’y “karapatan sa pagtatanggol sa sarili” ng Israel, at tatlong beses pa nitong hinadlangan ang magkasanib na pahayag ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa pagtitigil ng putukan at karahasan sa pagitan ng Palestina at Israel.
Kaugnay nito, isiniwalat ng pahayagang Washington Post na noong unang dako ng Mayo, pormal na ipinaalam ng pamahalaang Amerikano sa kongreso ng bansa ang pagbebenta ng 735 milyong dolyares na precision guided munition (PGM) sa Israel.
Ito ay nagpapakita na kahit labag sa katarungan at konsiyensya ng sangkatauhan, pinasisidhi ng Amerika ang kasalukuyang sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel at pinapa-igting ang kalagayan sa Gitnang Silangan.
Kinakasangkapan lamang ng mga politikong Amerikano ang karapatang pantao ng mga Muslim.
Nagbubulag-bulagan sila sa masaganang pag-unlad ng Xinjiang o pagtitiis sa digmaan ng mga Palestino.
Ang karapatang pantao ay katwiran lang para sa paghahangad ng kani-kanilang personal na kapakanang pulitikal.
Nawalan na ng tiwala ang daigdig sa ganitong karapatang pantao na may estilong Amerikano.
Salin: Vera
Pulido: Rhio