Tsina sa Amerika: suportahan ang pagpapatingkad ng papel ng UNSC para mapahupa ang kalagayan ng Palestina at Israel

2021-05-20 15:38:55  CMG
Share with:

Nang mabanggit kamakailan ang isyu ng Palestina at Israel sa United Nations Security Council (UNSC), sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na hindi hinahadlangan ng kanyang bansa ang aksyong diplomatiko ng UNSC, sa halip, tuluy-tuloy nitong isinasagawa ang mga tahimik at madalas na diplatikong aktibidad.
 

Kaugnay nito, ipinagdiinan nitong Miyerkules, Mayo 19, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang magkakaisa ang pananalita at aksyon ng Amerika, tunay na babalik sa landas ng multilateralismo, isasabalikat ang kinakailangang responsibilidad ng isang malaking bansa, at susuporta sa pagpapatingkad ng namumunong papel ng UNSC tungo  sa pagpapahupa ng kalagayan sa Palestina at Israel, at muling pagtatatag ng pagtitiwalaan at pagpapatupad ng solusyong pulitikal sa sigalot ng nasabing dalawang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method