Ginanap nitong Martes, Mayo 18, 2021 ang di-pormal na virtual meeting ng mga ministrong panlabas ng 27 bansa ng Unyong Europeo (EU) hinggil sa maigting na kalagayan ng Palestina at Israel.
Bilang suporta sa Israel, ibineto ng Hungary ang burador ng magkakasanib na pahayag ng pulong, kaya walang nagkakaisang paninindigan na inilabas ang mga kalahok.
Sa preskon matapos ang pulong, nanawagan sa Israel at Palestina si Josep Borrell, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng EU, na agarang itigil ang lahat ng mararahas na aktibidad, at isakatuparan ang tigil-putukan.
Nanawagan din siya tungo sa mabilis na pagpapanumbalik ng prosesong pulitikal, at paghahanap ng paraan para sa muling pag-uugnayan ng iba’t ibang nagsasagupaang panig, at pagtatakda ng mga hakbangin sa pagtatayo ng pagtitiwalaan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio