Sa kanyang paglalakbay-suri sa lunsod ng Nanyang sa lalawigang Henan, ipinatawag kahapon, Mayo 14, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pulong tungkol sa susunod na plano para sa pag-unlad ng South-to-North Water Diversion Project ng bansa.
Sinabi niyang, dapat patuloy na isagawa ang naturang proyekto sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan, at itaguyod ang mabisa at matipid na paggamit ng yamang-tubig. Ito aniya ay mahalaga para sa kabiyayaan ng mga mamamayan, koordinadong pag-unlad ng iba't ibang lugar ng Tsina, at pagpapatupad ng bagong ideyang pangkaunlaran.
Hiniling din niyang buuin ang modernong konsepto sa pangangasiwa ng tubig, batay sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at balanseng distribusyon ng yamang-tubig.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos