Kaugnay ng pananawagan ng ilang politikong Amerikano para sa pagboykot sa 2022 Beijing Winter Olympics sa pangangatwiran ng di-umanong isyu ng karapatang pantao, ipinahayag Mayo 19, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang lubos na kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutuol ng Tsina sa masamang tangkang ito ng ilang politikong Amerikano, batay sa bias sa idelohiya at pulitika.
Diin niya, ang tangka nila ay humahadlang at sumisira sa pagdaraos ng Beijing Winter Olympics.
Tiyak rin aniyang mabibigo ang paninirang-puring ito sa Tsina.
Dapat agarang itigil ng ilang tauhang Amerikano ang paggawa ng sabwatang pulitikal sa usapin ng Olimpiyada, ani Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio