Nilagdaan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika kahapon Mayo 20, 2021, sa White House, ang batas kontra sa Asian hate crimes na naging laganap sa panahon ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Sa seremonya ng paglalagda, ipinahayag ni Biden na noong isang taon, na natakot ang mga Asyanong Amerikano hindi lamang sa COVID-19, kundi dahil din sa galit o poot mula sa ilang mga tao.
Aniya, sa harap ng hate crimes, ang pananahimik ay kasabwat ng paglaganap nito.
Nanagawan si Biden na dapat magkaisa ang lahat ng mga mamamayan para tutulan ang krimen ng poot at nasyonalismo.
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos