UN, nakidalamhati sa pagpanaw ni Yuan Longping

2021-05-23 13:51:02  CMG
Share with:

UN, nakidalamhati sa pagpanaw ni Yuan Longping_fororder_20210523UN550

Dahil sa sakit, pumanaw sa edad 91 anyos, nitong Mayo 22, 2021, si Yuan Longping, "Ama ng hybrid rice," academician ng Chinese Academy of Engineering, at ginawaran ng “Medal of the Republic.” Kaugnay nito, isang artikulo ang ipinalabas ng United Nations (UN) bilang pakikidalamhati sa kanyang pagyao.

Ipinahayag ng UN na si Yuan ay nakapagbigay ng kahanga-hangang ambag sa pagpapasulong ng food safety, pagpawi sa karalitaan, at paghahatid ng benepisyo sa mga mamamamyan.

Dagdag pa ng UN, siya ay isang “Iskolar ng Bayan na Walang Kapantay.”  

Nauna rito, ipinahayag din ni Qu Dongyu, Direktor-Heneral ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga naiwan ni Yuan.

Si Yuan Longping ay siyentistang Tsinong kilalang-kilala sa pagdedebelop ng unang hybrid rice strain, na nag-ahon sa di mabilang na mga tao mula sa gutom.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method